Anne Curtis nagbigay ng donasyong P7.5 M sa UNICEF

Imahe mula sa Twitter/ Instagram account ni Anne Curtis
Imahe mula sa Twitter/ Instagram account ni Anne Curtis

Lingid sa kaalaman ng ilan ang pagtulong ng aktres at TV host  na si Anne Curtis sa mga charitable institution, pampublikong paaralan at mga kabataan sa pamamagitan ng kanyang foundation na Dream Machine.

Walang mapagsidlan ng kasiyahan si Anne  matapos niyang mai-turn over ang tseke na nagkakahalaga ng halos 7.5 million pesos sa United Nations Children’s Fund (UNICEF).

Ayon sa ulat ng RMN, ito ang kinita mula sa kanyang “The Color Run Dream” project noong September 3 sa Mall of Asia (MOA) grounds.

Labis ang  pasasalamat naman ng It’s Showtime host sa lahat ng mga sumuporta at nakilahok sa fun run.

Ayon kay Anne, isa lamang ito sa marami pang proyektong gagawin niya bilang isang celebrity advocate para sa mga bata katuwang ang UNICEF.

Target din niyang makapagpatayo ng mga classroom para sa mga kapus-palad na mag-aaral. Gayundin ang pagtulong sa mga batang may cancer, pagbibigay ng tulong pinansyal sa mga kabataan at pagdaraos ng mass wedding sa mga less privilege unmarried couple.

Naniniwala naman si  Anne na sobrang mahalaga ang edukasyon para sa mga bata. – DEFINITELY FILIPINO

text FERNAN GIANAN


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *