Banaue Rice Terraces, patuloy na gumuguho, nasisira at napapabayaan

Mga larawan mula sa Instagram account ng Philippine Batad
Mga larawan mula sa Instagram account ng Philippine Batad

Unti-unting gumuguho at nasisira ang tanyag na Banaue Rice Terraces sa Ifugao, Benguet dahil umano  sa kawalan ng mga nagsasaka sa naturang palayan na napabilang sa Seven Wonders of the World.

Ikinabahala ng mga residente ang patuloy na pagguho ng ilang bahagi ng naturang hagdan-hagdang palayan dahil umano sa wala nang nagtatanim o nagsasaka rito, batay na rin  sa tinuran ng Chairperson ng Rice Terraces Farmers Corporation na si Sam Cabigat.

Kaugnay nito, planong buhayin ng grupo ng magsasaka sa Banaue ang isang klase ng bigas na tanging makukuha lamang sa kanilang lugar.

Inaasahang kapag tumaas ang demand nito sa merkado ay mahihikayat ulit ang maraming magsasaka na muling magtanim upang maibalik ang pangangalaga sa rice terraces ng Banaue.

Ang Banaue Rice Terraces ay isa sa mga binansagang World Heritage Site ng UNESCO (United Nations Educational, Scientific, and Cultural Organization) at ikawalo sa mga kahanga-hangang pook sa buong mundo.

Nawa ay malinang at mapanumbalik ang kagandahan ng hagdang-hagdang palayan! – DEFINITELY FILIPINO

text RICARDO DALISAY


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *