Carmina, ibinahagi ang pagkikita nila ng dating kabiyak na si BB

Mga imahe mula sa YouTube videos ng GMA News at SweetAnd LovingXX
Mga imahe mula sa YouTube videos ng GMA News at SweetAnd LovingXX

Kasama ang kanyang asawang si Zoren Legaspi at ang kanilang mga anak, nakita ng aktres na si Carmina Villarroel and dati niyang kabiyak na si Rustom Padilla na ngayon ay legal nang babae; si BB Gandanghari.

Ayon sa PEP, ibinahagi ni Villarroel na nagkataong may nirentahan si BB sa The Grove, Rockwell habang may unit naman sila doon ng kasalukuyan niyang asawa. Nagkita-kita raw sila sa gym.

“Doon ako nagdyi-gym and, apparently, doon din pala siya nagre-rent. So, nagkita kami sa gym, kasama ko ang kambal (na anak) pati si Zoren,” pagbabahagi ni Villaroel.

“Kay Zoren, wala namang problema dahil nagka-work na sila together, so mas sila ang nagkaka-chikahan. Tapos, ‘Uy, si Carmina nandiyan.’ Lumapit siya sa akin, hi and hello lang. Wala… parang ano lang, old friends,” kuwento pa niya.

Naitanong din kay Villarroel kung ano ang tawag niya kay Gandanghari.

“BB! E, ‘yon ang name niya. Wala, parang lahat happy. Alam n’yo sa akin, kung saan siya maligaya, do’n na ako. Whatever makes her happy, kasi sobrang maligaya na ako sa buhay ko, so I just wish her well,” wika ng aktres.

Noong ikinasal sina Villarroel at Legaspi, ipinahayag ni Gandanghari na masaya siya para sa dalawa. Narito:

Throwback. Ilan sa mga eksena nina Villaroel at Padilla sa “Palibhasa Lalaki”:

text CLARA VISTA


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *