Father Angel: Salamat Sa Pagpatuloy Ng Simbang Gabi

IMG_7827

Simbang Gabi at Our Lady Star of the Seas Church.

 

Father Angel’s message to the Filcom – Simbang Gabi sa SG 2016 groups

Maraming salamat sa pagbati at sa pagdaraos ng Simbang Gabi! Dito, nakaraos din kami ng Simbang Gabi.

Dati ay Christmas at New Year ko lamang sila ipinagmimisa. For the first time nga, nakatapos din kami ng buong Novena. Napakaraming mga bata na mga apo na ng aking mga kababata.

May arroz caldo, pancit sotanghon, sopas, lugaw baboy, puto at dinuguan, goto, hotdog sandwich at lugaw. Sa huling araw ay may kendi pa samantalang sa kapistahan ay mga supot-supot ang pamasko ng mga mag-anak. Katulad diyan ay pilahan at tulakan ng mga bata at matanda ang nakapagpasaya sa Simbang Gabi.

Kasabay nito ang mga reunion, lamay, binyag at walang tigil na kainan. Kaya’t nang magpa-blood test kami kahapon, mataas na lahat ang basa sa BP naming ng pinsan naming doktora. Bawas timbang ang solusyon!

Sa isang Linggo ay nasa Baguio ako para magbigay ng Retreat sa mga pari ng Cordillera. Sa Abril naman ay sa mga madre ng ICM sisters ng St. Teresa’s.

Kumusta na lamang sa inyong lahat! God bless you all!

Father Angel, CICM

Photos courtesy of William Villaviray.


Read similar stories on OFW Pinoy Star Magazine – GET YOUR OWN COPY HERE!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *