Goodbye Ate Glow; Hello Renee na siya ngayon!

Images via withloverenee Instagram account
Images via withloverenee Instagram account

Siya na nga ba iyan?

Marami ang napa-wow nang makita ang bagong anyo ni Ate Glow.

Ang kilalang impersonator at komedyante na si Ate Glow, o Rene Boy Facunla sa tunay na buhay, ay ikinasal sa kanyang British boyfriend sa Chelsea Registry Office sa London noong Hulyo taong 2016 at mula noon ay dinala na nito ang pangalang Renee Hampshire.

Nakilala siya sa industriya ng showbiz dahil sa kanyang pagganap bilang si Ate Glow, na nag-iimpersonate sa dating pangulo Gloria Macapagal Arroyo.

Sa isang panayam ay nailahad niya na nakilala niya ang kanyang naging asawa sa pamamagitan lamang ng Facebook.

Naikuwento rin niya noon na nasa kolehiyo umano siya sa University of the Philippines nang matukoy niya ang mas angkop na salita hinggil sa kanyang katauhan.

Aniya: “Iba ang sitwasyon ng mga transgender women. It’s a long road to finding one’s self. Like in my situation, I didn’t identify myself as a transgender woman before, mainly because I didn’t know about it. Sa Pinas kasi, e, it’s either you’re a boy, girl, bakla, or tomboy. So, growing up, I thought that I was gay; although deep in my heart, I felt that I was a woman.”

At ayun na nga. Nahanap na ng 36-anyos na si Ate Glow ang kanyang kaligayahan at masayang namumuhay kapiling ang kanyang mister. Napakalaki na ng kanyang ipinagbago at isa na siyang magandang dilag na masasabi mong “blooming na blooming”.

Ang pag-ibig nga naman. Sabi nga niya dati, “Love knows no gender.”

Goodbye, Ate Glow! Hello, Renee na talaga. – DEFINITELY FILIPINO

text JOYCE SAZON


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *