Halos 11 milyong Pilipino, sinabing ‘mahirap’ sila

Photo credit: Wikimedia Commons
Photo credit: Wikimedia Commons

Tumaas ang bilang ng mga Pilipinong nagsasabing mahirap ang kanilang pamilya ngayong ikatlong quarter ng taon.

Sa pinakahuling Social Weather Stations (SWS) survey na ginawa noong Setyembre, 47% o halos 11 milyong Pinoy ang nagsabing mahirap sila.

Mas mataas ito ng tatlong puntos kumpara sa parehong survey noong Hunyo.

Sa mga nagsabing mahirap sila, 36% ay galing sa mahirap na pamilya habang 11% ang nakaranas ng kahirapan.

Pagkaing ‘pang-mahirap’

Itinuturing namang “steady” sa 32% ang bilang ng mga Pilipinong sinabing sila’y “food-poor” o pang-mahirap ang kanilang kinakain.

Anila, dapat ay mayroon silang P5,000 budget sa pagkain upang hindi nila tawagin ang sariling “food-poor.”

Ayon pa sa survey, nasa P10,000 ang buwanang budget na kailangan ng isang pamilya para hindi sila maituring na mahirap.

Isinagawa ang survey sa pamamagitan ng harapang interview sa 1,500 matatanda edad 18 pataas noong Setyembre 23 hanggang 27. – ABS CBN NEWS


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *