Lalaking nagcha-charge ng cellphone, patay nang tamaan ng kidlat

Photo credit: Pixabay
Photo credit: Pixabay

STO. DOMINGO, Albay – Patay ang isang lalaki nang tamaan ng kidlat sa bayan ng Sto. Domingo sa Albay Linggo ng hapon.

Patay si Ryan Balute, 21 taong gulang at residente ng Barangay San Andres sa bayan ng Sto. Domingo.

Nasa loob siya ng kanilang bahay at nagcha-charge ng cellphone nang mangyari ang insidente.

Isinugod sa ospital si Balute pero idineklarang dead on arrival.

Isa pang 54 taong gulang na babaeng residente ng Barangay San Andres ang tinamaan rin ng kidlat habang nasa loob ng kanyang bahay.

Naisugod ito sa ospital ngunit wala pa ring malay hanggang sa kasalukuyan.

Una nang sinabi ng PAGASA na mas marami ang mga thunderstorm activities kapag malapit nang magtag-ulan.

Noong nakaraang buwan, isa ring 17 taong gulang na lalaki ang namatay matapos tamaan ng kidlat sa isang palayan sa Polangui, Albay.

text THEA OMELAN

This article was originally published on ABS-CBN NEWS.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *