Pambato ng Pilipinas nag-uwi ng back-to-back na korona mula sa ginanap na Miss Asia Global 2017 sa India

Photo source: Definitely Filipino
Photo source: Definitely Filipino

Muli na namang nagdala ng karangalan sa Pilipinas ang isang physical therapist na mula sa Guimaras, Iloilo na naging pambato ng bansa sa katatapos lamang na Miss Asia Global 2017 na ginanap sa Kerala, India.

Ang 23-year-old na si Mary Eve Adeline Escoto ay ang nag uwi ng korona mula sa nasabing international beauty pageant na ginanap noong November 21. Ang tagumpay na ito ay isang back-to-back win para sa Pilipinas dahil ang nagpasa ng korona kay Escoto ay isa ring pinay na si Trixia Marie Merana na siya namang itinanghal na Miss World Asia Global 2016.

Ang mga special awards para sa Best in National Costume, Best in Formal Wear at ang The Missosology Choice Award ay nakuha rin ni Escoto bukod pa sa korona.

Tila masuwerte ang buwan ng Nobyembre sa dahilang nauna nang umuwing tagumpay mula sa mga international beauty pageants na nilahukan ng iba pang Pinay beauty queens na si Karen Ibasco na nagwaging Miss Earth 2017 at si Wynwyn Marquez na siya namang nag uwi ng korona bilang Miss Reina Hispanoamerica.

Ang panalo ni Escoto ay ang ikatlong panalo na nakuha ng mga pambato ng Pilipinas sa mga nasabing beauty contests. – DEFINITELY FILIPINO

text MONINA MARIA


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *